Paglikha ng higit 4,000 positions para sa DSWD poverty alleviation initiative, inaprubahan ng DBM

Paglikha ng higit 4,000 positions para sa DSWD poverty alleviation initiative, inaprubahan ng DBM

INAPRUBAHan ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglikha ng mahigit apatnalibong (4,265) Project Development Officer II (PDO II) contractual positions para sa iba’t ibang field offices ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Layunin nitong suportahan ang implementasyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na layong maibsan ang kahirapan sa bansa.

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, sa hakbang na ito, nakalilikha rin ng mga oportunidad sa trabaho, na sa ilang paraan ay nakatutulong sa pagpapatatag ng ekonomiya.

Nilikha ang mga contractual PDO position upang dagdagan ang kasalukuyang staff ng DSWD upang pangasiwaan ang kanilang workload nang mas mahusay.

Naglalayon naman ito na magkaroon ng caseload na isang manager para sa bawat 300 na sambahayan.

Saad ng DBM, mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga case manager sa matagumpay na implementasyon ng 4Ps sa grassroots level dahil sila ang direktang nakikipag-ugnayan sa mga benepisyaryo.

Ang mga contractual positions ay pupunan ng kasalukuyang mga contract of service (COS) at job order (JO) workers ng DSWD mula sa field offices ng ahensiya sa buong bansa, na kasama sa case management ng 4Ps.

Ang pondo para sa paglikha ng naturang mahigit apatnalibong PDO II contractual positions ay huhugutin mula sa available allotment ng DSWD.

Kapag kulang naman, ay kukunin ang kinakailangang pondo mula sa available appropriations sa FY 2024 General Appropriations Act.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble