MALAKING tulong sa pagresolba sa pangunahing dahilan ng insurhensya sa malaking bahagi ng bansa ang pagkatatatag ng National Task Force to End Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.
Sa kanyang pinakahuling State of Nation Address (SONA), sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na dahil sa Anti-Insurgency Task Force, muling nabigyan ng kapangyarihan ang mga kababayan na maraming dekada nang ginagamit ng mga komunista sa kanilang pansariling interes.
“With the creation of the National Task Force to End [Local] Communist Armed Conflict or NTF-ELCAC, [applause] we have made great strides in addressing the root causes of this conflict by empowering our kababayans who have been used by the communists for so many decades,” pahayag ni Pangulong Duterte.
Bukod pa dito, dahil rin sa NTF-ELCAC ay nagkaroon ng pangmatagalang rehabilitasyon at pag-unlad ang mga komunidad na dating ginawang kampo ng mga rebelde.
“In our continuing effort to build safe and conflict-resilient barangays, we have worked towards the sustainable rehabilitation and development of communities where the communists used to operate,” ani Pangulo.
“Through the NTF-ELCAC, we invested in farm-to-market roads, school buildings, water and sanitation [systems], [applause] health stations, and livelihood [projects],” dagdag ni Punong Ehekutibo.
Dagdag pa ni Pangulong Duterte, dahil sa interbensyon na ito ng gobyerno, mahigit sa 17,000 dating rebeldeng komunista na ang nagbalik-loob sa pamahalaan.
“But because of these interventions, more than [17,000] former communist rebels have surrendered to the government. They have returned to the fold of the law and are happily reintegrating to [society], [the Enhanced Community Local Integration Program] or E-CLIP,” aniya.
Naniwala naman si Pangulong Duterte na dahil sa suporta ng mga local government unit, magpapatuloy ang paglipol sa rebeldeng komunistang kilusan sa mga susunod na buwan.
“With the support of our local government units, I am confident that support for the communist movement will continue to erode in the next few months. [applause] And like the decades-old Moro rebellion in Mindanao, we will also bring an end to the armed struggle of the communists once and for all,” ayon sa Pangulo.
Pinasalamatan din ng pangulo ang mga pulis at militar na naging instrumento para malansag ang maraming communist fronts sa iba’t ibang bahagi ng bansa.