Paglilipat ng kulungan ng PDLs na tumatayong witnesses sa drug case ni De Lima, walang mali—DOJ

Paglilipat ng kulungan ng PDLs na tumatayong witnesses sa drug case ni De Lima, walang mali—DOJ

WALANG mali ang paglilipat ng kulungan ng PDLs na tumatayong witnesses sa drug case ni ating Senadora Leila de Lima.

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na walang mali sa ginawang paglilipat sa mga person deprived of liberty (PDL) mula sa New Bilibid Prison (NBP) patungong Sablayan Occidental Mindoro.

Hapon ng Lunes, sumugod sa DOJ ang ilang pamilya ng mga PDL na tumatayong witnesses sa natitirang drug case ni  De Lima.

Sabado anila nang gabi nang ilipat ang mga PDL doon nang walang ibinibigay na notice o pasabi sa kanila.

Ang pinag-alala umano nila ay ang kaligtasan ng mga ito lalo pa’t nababalitan nilang may pinapatay na preso sa Bilibid.

Kabilang anila sa tina-trasfer ay si Herbert Colangco at walong iba pa kasama na ang mga asawa nilang PDL.

Pero ayon sa tagapagsalita ng DOJ na si Asec. Mico Clavano, walang mali sa paglilipat ng mga PDL.

Sa ngayon ay hindi pa kayang sabihin ng DOJ kung bakit kailangan silang i-transfer dahil sa confidentiality.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter