Paglilipat sa Lunes ng mga holidays na papatak ng weekend, isinusulong ni Sen. Tulfo

Paglilipat sa Lunes ng mga holidays na papatak ng weekend, isinusulong ni Sen. Tulfo

ISINUSULONG ngayon ni Senator Raffy Tulfo na amyendahan ang Republic Act 9492 o Holiday Economics Law.

Sa inihain na Senate Bill ni Tulfo, nais nitong ilipat sa Lunes ang lahat ng holiday na papatak ng weekend o araw ng Sabado at Linggo.

Ito ay upang mapalakas aniya ang domestic tourism at maisulong ang work-life balance sa mga empleyado at estudyante.

Naniniwala si Tulfo na ang mahabang weekend ay makakatulong upang mabawasan ang stress ng mga empleyado at estudyante.

Follow SMNI NEWS in Twitter