Paglunok ng dolyar sa NAIA, posibleng magiging dahilan para wala nang tatapak sa NAIA—Atty. Roque

Paglunok ng dolyar sa NAIA, posibleng magiging dahilan para wala nang tatapak sa NAIA—Atty. Roque

KAHIHIYAN para sa bansa ang ginawa ng isang Office for Transportation Security (OTS) personnel na lumunok ng umano’y nakaw na dolyar mula sa pasaherong Chinese.

Ayon kay dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque, posibleng wala nang tatapak sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa insidenteng ito.

Sa ngayon ay paiimbestigahan na ng Kamara ang naturang insidente.

Ito’y matapos nakunan ng CCTV camera ang buong eksena ng paglunok ng pera.

Sa panig naman ng tinutukoy na OTS personnel, sinabi niyang “tsokolate” at hindi dollar bill ang kaniyang nilunok.

Subalit para sa OTS Fact-Finding Team, hindi anila normal na kumain ng tsokolate na hirap na hirap at tinutulak pa ng tubig.

Follow SMNI NEWS on Twitter