Paglunsad ng H3 rocket ng Japan, hindi na muna itutuloy

Paglunsad ng H3 rocket ng Japan, hindi na muna itutuloy

ISUSUSPINDE na muna ng space agency ng Japan ang plano nilang paglunsad sa kanilang kauna-unahang medium-lift rocket sa March 6, 2023.

Hindi na idinetalye pa ng Japan Aerospace Exploration Agency (JAXA) ang rason ng suspension.

Dalawang linggo ito matapos nauna na ring nasuspinde ang schedule nila noong February 17.

Ang rason naman sa pagkakasuspinde noong Pebrero ay bigong mag-ignite ang secondary booster engines ng kanilang H3 rocket, ang tinutukoy na medium-lift rocket.

Ayon sa JAXA, ang pinal na desisyon hinggil sa paglunsad nito ay nakabatay sa magiging kondisyon ng panahon.

Follow SMNI NEWS in Twitter