Paglusob ng batalyon ng mga pulis sa KOJC compound, lantarang paglagbag sa konstitusyon—Hakbang ng Maisug USA

Paglusob ng batalyon ng mga pulis sa KOJC compound, lantarang paglagbag sa konstitusyon—Hakbang ng Maisug USA

NAGLABAS ng pahayag ng pagkondena ang Hakbang ng Maisug U.S.A. sa pangunguna ng pangulo nito na si Atty. Arnedo Valera, isang international human rights lawyer sa ginawang paglusob sa KOJC compounds kamakailan.

Aniya, ang insidenteng ito ay maaaring maging halimbawa ng lantarang paglabag ng Saligang Batas, partikular sa Bill of Rights ang at Principle of Proportionality.

Ibig sabihin, sobra-sobra ang puwersang pinadala sa KOJC gayong si Pastor Apollo C. Quiboloy at lima pang indibidwal lang ang bibigyan ng arrest warrant.

Matatandaang maliban sa batalyon ng mga pulis na armado, ilang choppers din ang pumaligid sa compound.

Sa Glory Mountain sa Tamayong naman, giniba pa ng mga pulis ang gate at sinaktan ang ilang misyonaryo.

Sa ngayon, hindi pa nakikita si Pastor Apollo.

Sa pinaka huling mensahe ng butihing pastor sa publiko, inihayag nito na nanganganib ang kaniyang buhay at nais siyang patayin dahilan upang siya’y hindi magpakita sa pubiko at proteksiyunan ang kaniyang sarili.

 

 Follow SMNI NEWS on Twitter