BUKAS na ngayon ang Commission on Elections (COMELEC) na amyendahan ang mga naunang mahigpit na panuntunan na kanilang inilatag sa pangangampanya.
Batay sa unang Resolution 10732 na inilabas ng poll body, nakasaad na bawal ang pag-seselfie at anumang klaseng physical contact sa mga botante.
Ipinagbawal din ang pagpasok ng mga kandidato sa bahay-bahay.
Ang nasabing mga panuntunan ay bilang pag-iingat dahil sa COVID-19 pandemic.
Aminado naman ang COMELEC na mukhang hindi na akma ang kanilang paghihigpit lalo na’t marami na sa mga lugar sa bansa ang nasa Alert Level 1- ang pinakamaluwag na pandemic restrictions sa bansa.
Dahil dito, diin ni COMELEC Education and Information Department Director Elaiza David, panahon nang baguhin ang campaign rules.
Diin din ng poll body, buong resolusyon ang pag-aaralang baguhin at hindi lang specific provisions.