Pagpapaalis umano ng China sa barko ng PH Navy sa Scarborough Shoal, propaganda lang—AFP

Pagpapaalis umano ng China sa barko ng PH Navy sa Scarborough Shoal, propaganda lang—AFP

ITINANGGI ni AFP chief of staff General Romeo Brawner, Jr. ang ulat na itinaboy umano ng Chinese Coast Guard (CCG) ang barko ng Philippine Navy sa Scarborough Shoal sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Brawner, isa lamang itong propaganda ng China upang maipakita na may ginagawa sila sa inaangking teritoryo.

Sa katunayan aniya, walang puwersa ng Philippine Navy sa Scarborough Shoal at tanging Philippine Coast Guard (PCG) ang nasa lugar.

Nanindigan din si Brawner na kung mayroon mang barko ng Philippine Navy sa lugar ay hinding-hindi sila papayag na paalisin.

Tungkulin aniya ng AFP na protektahan ang karapatan sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Follow SMNI NEWS on Twitter