Pagpapababa ng halaga ng piyansa para sa mahihirap, ipinag-utos ng DOJ

Pagpapababa ng halaga ng piyansa para sa mahihirap, ipinag-utos ng DOJ

IPINAG-utos ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla ang pagpapababa ng halaga ng piyansa para sa mga mahihirap na nahaharap sa mga reklamo.

Sa pamamagitan ng department circular, ipinag-utos ni Secretary Remulla ang pagpapababa ng bail bond bilang pagbibigay ng konsiderasyon sa kapasidad ng respondent na nahaharap sa mga reklamo.

Ito ay partikular para sa mga indigent respondent o mahihirap na akusado.

Isa ito sa mga ikukunsidera ng mga prosecutor sa pagrerekomenda ng halaga ng piyansa sa mga criminal information na isusumite nito sa korte.

Sa mga prosecutors, kailangang alamin ng mga ito kung ang respondent ay mag-claim ng indigency.

Kung ang respondent ay magsasabi na isa siyang indigent, kailangan nitong makapagpakita ng dokumento gaya ng Certificate of Indigency mula sa Department of Social Welfare and Development, Certificate of Indigency/No Income mula sa Office of the Barangay Chairperson at ng kanilang latest income tax return o di kaya’y pay slips.

Ang mga guidelines na ito ay kailangang iapply sa lahat ng kaso na nasa inquest o sa preliminary investigation.

Sakali namang makitaan ng probable cause ang reklamo laban sa respondent pagkatapos ng inquest, ang kailangang mailagay sa criminal information nito ang recommended bail bond na nasa 50 percent lamang batay sa nakalagay sa 2018 Bail Bond Guide.

Ang impormasyon na indigent ang respondent ay kailangang nakalagay kasama ng inirerekomendang halaga ng piyansa nito.

Para naman sa mga kaso na nasa una at second level court, kailangang tiyakin ng trial prosecutor na ang mga kaso na kwalipikado sa ilalim ng RA No. 10389 o Recognizance Act of 2021 ang maisusumite sa korte.

Ayon kay Secretary Remulla, ang pagpapataw ng mas mababang bail bond ay para sa interest ng social justice at para maging abot-kaya sa mga mahihirap ang pagkamit ng hustiya.

Paraan din daw ito para madecongest ang mga kulungan o detention facilities.

Matatandaan na maging ang Korte Suprema daw ay naghain na ng administrative order para sa pagpababa ng halaga ng bail sa mga mahihirap na persons deprived of liberty.

 

Follow SMNI News on Twitter