Pagpapababa ng singil sa pamasahe dapat tutukan ng Kongreso—Panelo

Pagpapababa ng singil sa pamasahe dapat tutukan ng Kongreso—Panelo

DAPAT mas tutukan ng mga nasa gobyerno ang mga problemang kinakaharap ng publiko.

Halimbawa na rito ang pagpapababa ng singil sa pamasahe ayon sa dating Chief Presidential Legal Counsel na si Atty Salvador Panelo.

Kasunod ito sa kumakalat na ulat kung saan isang online airline booking platform ang labis na naniningil ng pamasahe.

Ang tinutukoy ay ang AirAsia MOVE kung saan inireklamo sila ni Leyte 4th District Rep. Richard Gomez.

Sa nabili niyang dalawang one-way Tacloban-Manila tickets para sa kaniya at asawa nitong si Ormoc Mayor Lucy Torres-Gomez, umabot ng P77,704 ang singil sa kanila.

Kung direktang nag-book sila sa website ng Philippine Airlines, ang parehong biyahe ay aabot lamang ng P49,507 para sa dalawang pasahero.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble