IKINASA ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang pamamahagi ng anti-cybercrime tarpaulines na nagsasaad ng mga numero o hotlines, mga paalala at anong mga dapat gawin sakaling makaranas o makasaksi ng pang aabuso o krimen online.
Inisa-isa ng grupo ang mga gusali sa Binondo, Maynila para sa mabilis na access ng publiko sa pagsusumbong sa mga awtoridad.
Ayon sa CICC, hindi sila mapapagod na paalalahanan ang publiko para mapigilan ang tumataas na kaso ng cybercrimes sa bansa.