IPINAG-utos mismo ng Office of Civil Defense (OCD) sa mga regional office nito na palakasin ang kanilang Disaster Risk Reduction and Management engagement at partnership sa iba’t ibang stakeholder nito.
Ayon kay OCD Administrator, Usec. Ariel Nepomuceno, layon nito na tiyakin ang epektibong pagpapatupad ng mga kasunduan na nakaangkla sa pagtugon sa panahon ng sakuna.
Binigyan diin pa ni Nepomuceno na mahalaga ang mga mababalangkas na kasunduan sa iba’t ibang sektor upang paigtingin ang kanilang hakbang sa mga lugar na madalas tamaan ng kalamidad partikular na ang lindol.
Sa katunayan ani Nepomuceno, pinulong na nila ang Philippine Institute of Civil Engineer at Association of Structural Engineers of the Philippines upang maghanap ng iba pang hakbang sa pagpapatatag ng kahandaan sa lindol at iba pang sakuna.