Pagpapalakas sa kampanya laban sa smuggling, inihirit

Pagpapalakas sa kampanya laban sa smuggling, inihirit

NANANAWAGAN ang Federation of Pilipino Industries (FPI) sa pamahalaan na mas lalo pang palakasin ang kampanya laban sa smuggling, kasabay ng idinaos na kauna-unahang National Anti-Elicit Summit Trade araw ng Huwebes, Hulyo 25, 2024.

Sinabi ni Chairman Jesus Aranza na P250-B ang nawawala sa tax collection kada taon dahil sa talamak na smuggling at bukod pa aniya iyan sa nagsasarang mga negosyo at trabaho na nagdudulot ng pagbagsak ng kanilang industriya.

Halimbawa aniya ang textile sector kung saan mula sa apat na kompanya ay isa na lamang ang operational dahil ang tatlo ay nagsara na matapos malugi, habang ang palm oil aniya ay nag-iisa na lamang mula sa tatlong kompanya.

Aminado si Aranza na mayroon namang batas kontra smuggling pero nakukulangan sila sa implementasyon ng mga ahensiya ng gobyerno tulad ng Bureau of Customs, Bureau of Standards, Department of Agriculture, DTI, BIR, DOJ, Department of Finance, at iba pa.

Mayroon naman aniyang mga nahuhuli at nakakasuhan na smugglers pero sobrang bagal na proseso sa mga korte at matagal bago maparusahan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble