Pagpapalawig para sa SIM card registration, hindi magaganap—DICT

Pagpapalawig para sa SIM card registration, hindi magaganap—DICT

INANUNSIYO ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na wala nang mangyayaring extension para sa deadline ng SIM card registration at mananatili na lamang ito hanggang April 26.

Ayon kay DICT spokesperson Undersecretary Anna Mae Lamentillo, dapat na seryosohin ng publiko ang deadline na ibinigay ng ahensiya at iparehistro na ang kanilang mga gamit na SIM cards bago pa magtapos ang deadline.

Dagdag nito, dapat nang sundin ng publiko ang mga kinakailangang hakbang upang maiparehistro ang mga gamit na SIMs upang maiwasan na ang pagkaantala at deactivation.

Hanggang noong March 30, sinabi ng DICT na 54,700,899 o 32.37 percent ng 168,977,773 subscribers pa lamang ang nagpaparehistro ng kanilang mga SIM.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter