LIGTAS man ay nananatiling kuwestiyunable kung kailan mapapalaya ang 17 Filipino seafarers na hostage ng Houthi rebels sa Red Sea.
Ito ang sinabi ni Department of Foreign Affair (DFA) Usec. Eduardo de Vega, subalit matitiyak ng kanilang ahensiya na maayos ang kalagayan ng mga seafarer.
Ibinahagi rito na hindi nais ng Houthi rebels na makakuha ng pera mula sa kanilang mga na-hostage.
Nais anila na mahinto na ang mga pag-atake ng Israel sa Gaza.
Samantala, idineklara na ng International Bargaining Forum ang katimugang bahagi ng Red Sea at Bab el Mandeb Strait bilang ‘high risk area’ dahil na rin sa sunud-sunod na missile attacks nila sa mga dumadaang barko sa kanilang teritoryo lalong-lalo na kung may ugnayan sa Israel.