IPINAUUBAYA na lang muna sa pamunuan ng Philippine Air Force (PAF) ang pagpapataw ng sanctions kung kinakailangan kasunod ng pagbagsak ng RPC1174 Cessna airplane ng 15th Strike Wing ng PAF.
Sa panayam kay AFP chief of staff General Andres Centino, nasa desisyon ng PAF ang pagdetermina kung sino ang maaaring patawan ng parusa depende sa kalalabasan ng kanilang isinasagawang imbestigasyon.
Nauna nang nilinaw ng heneral na alam ng PAF ang protocol ng paggamit ng mga sasakyang pamhimpapawid bago ito lumipad sa ere.
Matatandaang namatay ang 2 piloto ng nasabing eroplano sa bayan ng Pilar Bataan habang nagsasagawa ng pagsasanay ang mga piloto bago ito naaksidente.
Tiniyak naman ng AFP ang paglalaan ng tulong sa mga naiwang pamilya ng mga biktima kasabay ng pakikiramay sa mga nasawing PAF personnel. RPC1174 Cessna