AFP chief of staff Andres Centino, nagpaalam na sa Philippine Navy

AFP chief of staff Andres Centino, nagpaalam na sa Philippine Navy

PORMAL nang nagpaalam si AFP chief of staff General Andres Centino sa mga tauhan ng Philippine Navy.

Ito ay kasabay ng pagbisita ni Centino sa headquarters ng Philippine Navy sa Naval Station Jose Andrada sa lungsod ng Maynila, kung saan siya binigyan ng “sideboys honors” sa kanyang pagdating.

Mainit na tinanggap ni Philippine Navy vice commander Rear Admiral Caesar Bernard Valencia si Centino.

Sa kanyang “talk with the troops,” pinasalamatan ni Centino ang Philippine Navy sa pagiging isang propesyunal at disiplinadong organisasyon, kung saan nabisita niya ang mga nakatalaga sa malalayong isla sa tulong ng mga naka-deploy na barko.

Pinuri din ni Centino ang modernisasyon ng Philippine Navy lalo na ang paglahok nito sa Rim of the Pacific (RIMPAC) exercise sa Hawaii.

Si Centino ay magreretiro sa Agosto 8, kung saan siya papalitan ni AFP Southern Luzon Command (SoLCom) commander Lieutenant General Bartolome Vicente Bacarro.

Follow SMNI NEWS in Twitter