INIHAYAG ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na irerekomenda pa rin nila na paiiralin pa ang pagpapatupad ng fishing ban sa ilang baybayin sa Oriental Mindoro na apektado ng oil spill.
Paliwanag ng BFAR, may nakikita pa ring low-level contaminants o polycyclic aromatic hydrocarbons (PAH) sa fish samples bagamat kakaunti na lang ang langis at grasa na nakita sa water samples.
Ito ay mula sa mga munisipalidad ng Bansud, Bongabong, Bulalacao, Calapan, Gloria, Mansalay, Naujan, Pinamalayan, Pola, at Roxas at maging sa Caluya sa Antique.
Ipinunto ng BFAR na hindi pa rin ito ligtas sa tao lalo na ang mga kinokunsumomg isda mula sa mga apektadong lugar.
Tuluy-tuloy naman ang pagbibigay ng iba’t ibang interbensiyon ang ahensiya para sa mga apektado mangingisda.