Pagpapasuot ng light uniform sa mga piling personnel sa immigration dahil sa sobrang init ng panahon, nagsimula na

Pagpapasuot ng light uniform sa mga piling personnel sa immigration dahil sa sobrang init ng panahon, nagsimula na

NILINAW ng Bureau of Immigration (BI) na hanggang sa katapusan lang ng Mayo papayagan ang ilan sa kanilang mga empleyado na magsuot ng smart casual uniform.

Paliwanag ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na inaprubahan ang pagsusuot ng bagong uniform dahil sa sobrang init ng panahon na nararanasan ngayon.

Gayunman ay nilinaw ng ahensiya na hindi kasali sa pinayagang magsuot ng smart casual uniform ang mga empleyadong nakatalaga sa Civil Security Unit pati ang mga nakapuwesto sa mga port.

Samantala, nauna diyan ay pinayagan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga piling personnel sa Philippine National Police (PNP); Bureau of Fire Protection (BFAR) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na magsuot ng preskong damit o light uniform.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble