Mga bagong graduates sa PH Immigration Academy, malaking tulong sa daily operation—BI

Mga bagong graduates sa PH Immigration Academy, malaking tulong sa daily operation—BI

NANINIWALA ang Bureau of Immigration (BI) na malaki ang maitutulong sa ahensiya ng panibagong 23 immigration officers na nagtapos mula sa Bureau of Immigration Philippine Immigration Academy.

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na mula sa 23 bagong officers ay 14 dito ang lalaki at siyam naman ang babae na nagtapos at sumailalim sa 27-araw na fast-track program upang magbigay ng essential skills at kaalaman sa mga border control techniques, immigration procedures, at security protocols.

Ang 23 newly graduates ay naka-deploy na ngayon sa mga major international airports at frontline offices sa iba’t ibang panig ng bansa.

Samantala, nilinaw naman ng BI na tuluy-tuloy pa rin ang kanilang pagtanggap o pagkuha ng mga bagong opisyal upang mapakinabangan ang manpower at tiyakin na mahusay ang pang-araw araw na operasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble