Pagpapasuspinde ng filing ng COC, ‘di pinaburan ng COMELEC

Pagpapasuspinde ng filing ng COC, ‘di pinaburan ng COMELEC

HINDI pinaburan ng Commission on Elections (COMELEC) ang mungkahing isuspinde ang filing ng Certificates of Candidacy (COC) ngayong Oktubre.

Ayon kay COMELEC Chairperson George Garcia, nakakaantala lang sa paghahanda nila para sa 2025 midterm elections ang suhestiyon na ilipat ang filing ng COC sa Disyembre.

Kung talagang tatakbo naman ani Garcia ay bakit ipagpapaliban pa ng dalawang buwan ang paghahain ng kandidatura.

Sa paliwanag pa ng COMELEC chair, magkasabay ang kanilang preparasyon para sa kauna-unahang Bangsamoro parliamentary elections kung kaya’t mas mainam na masunod ang kanilang orihinal na timeline.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble