NILAGDAAN na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang Proclamation No. 200 at No. 402 na siyang nagbibigay ng go signal para magpatayo ng dalawang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ecozones.
Sa ilalim ng proklamasyon, isang bagong I.T Park ecozone sa Lacson Street, Banago, Bacolod City ang itatayo.
Pangangalanan itong Robinsons Cyberpark Bacolod.
Ang isa naman ay itatayo sa ilang mga lupa sa Brgy. Santiago, Luta Sur at Bagong Pook, Malvar, Batangas para sa pagpapalawak ng limang Technology Center-Special Economic Zone.
Ang pag-apruba ng dalawang ecozones ay pasok sa layunin ni Pangulong Marcos na makagawa ng inclusive economic development at job creation sa bansa.