NANAWAGAN si Senator Alan Peter Cayetano sa gobyerno na ipahinto na ang operasyon ng lahat ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa bansa.
Ito ay dahil mas mabigat daw ang negatibong epekto ng mga ito sa lipunan kumpara sa umano’y benepisyo na dulot sa ekonomiya.
Nagiging breeding ground daw ito para sa mga illegal activities gaya ng money laundering, maliban pa riyan ang mga krimen na naitatala dahil sa POGO gaya ng kidnapping at murder.
Matatandaan na una na ring lumabas sa pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means na maaring hindi tama ang naidedeklarang kinikita ng bansa mula sa POGO dahil sa kapos sa karanasan ang kasalukuyang sistema ng paniningil ng buwis mula sa Gross Gaming Revenue ng mga POGO. operasyon
Noong September 2022, sinabi naman ni Finance Secretary Benjamin Diokno na maaari nang bitawan ng bansa ang mga POGO dahil hindi rin naman ganoon kalaki ang kinikita ng gobyerno sa mga ito.