Pagpapatupad ng strip search sa mga dumadalaw sa NBP, suspendido pa rin

Pagpapatupad ng strip search sa mga dumadalaw sa NBP, suspendido pa rin

KINUMPIRMA ng Bureau of Corrections (BuCor) na nananatiling suspendido ang pagpapatupad ng strip cavity search o pagpapahubad sa mga dumadalaw sa bilanggo sa lahat ng piitan o mga prison at penal farm na pinamamahalaan ng BuCor.

Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. na mananatili ang suspensiyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa reklamo ng mapang-abuso umanong inspeksiyon sa dalawang dalaw sa New Bilibid Prison (NBP).

Nilinaw ng opisyal na ipinapaliwanag nang mabuti sa mga dalaw ang proseso ng inspeksiyon at pinapipirma ng waiver bago sumailalim sa body search.

Kasabay niyan ay ipinapatupad naman ngayon ang electronic visit o e-dalaw kung tatangging pumirma sa waiver ang bibisita sa mga persons deprived of liberty o sa mga preso.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter