Pagpreserba ng mga puno sa Angeles City, Pampanga, mahalaga sa mga katutubong Aeta

Pagpreserba ng mga puno sa Angeles City, Pampanga, mahalaga sa mga katutubong Aeta

NAGPAPASALAMAT ang mga katutubong Aeta ng Sitio Somil sa Brgy. Sapang Bato, Angeles City, Pampanga kay senatorial aspirant Pastor Apollo C. Quiboloy. Iyan ay dahil sa makabuluhang programa ni Pastor Apollo na malaking tulong anila sa kanilang kabuhayan.

“Mahirap siyempre siguro po kung hindi napangalagaan. Mahirap po wala pong ganito, mga puno po,” ayon kay Jonalyn Ablong, Residente, Sitio Somil, Angeles City.

Pinapahalagahan ng mga katutubong Aeta na naninirahan sa Sitio Somil sa Brgy. Sapang Bato, Angeles City, Pampanga ang kalikasan.

Para sa daan-daang pamilya ng tribong Aeta, ang mga puno ay nagsisilbi nilang buhay.

“Mahalaga po sa amin ang kalikasan kasi ‘yun po ang kinabubuhay ng mga katutubo po.”

“Malaking tulong din po kasi hindi po magkaroon ng landslide dito sa amin. Ganoon po ‘yun.”

“Hindi lang po kami ang nakikinabang po kundi lahat ng katutubo po. Lahat ng taga-Pampanga,” ani Ablong.

Mga puno, malaking tulong para matiyak ang water security sa Angeles City, Pampanga—CENRO

Ayon sa City Environment Natural Resources Office (CENRO) ng Angeles mahalaga na maalagaan ang mga puno sa mga kabundukan.

Iyan ay para ma-ipreserba ang mga watershed sa lungsod at matiyak ang water security.

“’Pag ganoon po maraming puno, maraming vegetation, mas maraming tubig ang pwedeng maproteksyunan pababa po doon sa underground water natin. ‘Yung underground water po ‘yun ‘yung tinatawag na nakukuha po natin na iniinom po natin na tinatawag na potable water,” wika ni Carmelo Sibulan, Representative, City Environment Natural Resources Office (CENRO).

SPM volunteers, nagtanim ng daan-daang fruit-bearing trees sa Sitio Somil sa Brgy. Sapang Bato, Angeles City

Bilang pakikiisa sa layunin ng lokal na pamahalaan ng Angeles, ipinadala ni senatorial aspirant Pastor Apollo C. Quiboloy ang mga volunteer ng Sonshine Philippines Movement (SPM) sa Sitio Somil, Brgy. Sapang Bato.

Nagtanim ang mga volunteer ng daan-daang fruit-bearing trees tulad ng Sampaloc, Santol, Langka, at Kalamansi.

Bahagi ito ng ‘One Tree, One Nation’ initiative ni Pastor Apollo sa layong mapangalagaan at maging matatag ang kalikasan.

“Tayo po ay nagtipun-tipon, mumunting kontribusyon po natin sa pagtatanim ng mga puno in partnership po ng siyudad ng Angeles.”

“Mahalaga po ang pagtatanim ng mga puno sa kabundukan. So muli po kami po ay nagpapasalamat sa pagiging bahagi po ng activity na ito,” dagdag ni Sibulan.

Nakiisa rin sa inisyatibo ng Butihing Pastor ang mga army reservist ng 3rd Regional Community Defense Group (3RCDG), Reserve Command ng Philippine Army.

“Kami po ay nagpapasalamat for inviting us for this nationwide tree-planting project. So ito pong tree planting project na ito ay ginagawa na talaga namin ng mga reservists to at tsaka buong kasundaluhan for our civil military operations project,” wika ni Major Henry S. Clemente, Deputy Director, 3RCDG-RESCOM PA.

Hindi lang preserbasyon sa watershed kundi malaking tulong din sa mga katutubong Aeta ang mga itinanim natin na fruit-bearing trees na anila ay pwede nilang pagkakakitaan sa hinaharap.

“Salamat po Pastor kasi nagpadala po kayo ng mga volunteers po dito na pwede pong magtanim sa iba’t ibang lote po na pwede pong pagkuhanan po ng kabuhayan po.”

Nagpapasalamat naman ang political vlogger na si Dan Chan na tubong Pampanga na isa ang kaniyang probinsiya na napili para sa ‘One Tree, One Nation’ initiative.

 “Isa ito sa mga lugar na nakalbo noong Mt. Pinatubo. At isa rin ito sa pinagkukuhanan ng daluyan ng tubig diyan sa pababa. At makita natin dito unti-unti nang bumabalik ang kalikasan. Lalo na sa tulong ng ‘One Tree, One Nation’.”

“Kaya kami po mga Kapampangan nagpapasalamat po kay Pastor Apollo C. Quiboloy. Pastor dakal pong salamat sa inisyatibo niyo po na ginawa ninyo dito sa Pampanga,” ayon kay Dhan Chan, Political Vlogger.

Tiniyak naman ng SPM na magpapatuloy ang mga programa at proyekto ni Pastor Apollo para pangalagaan ang kalikasan na halos dalawang dekada nang nagsimula.

“Asahan po ng ating nga kababayan ay linggo-linggo na po na gagawin po ito ng ating mga volunteers at mga parallel groups na nakiisa sa ating Sonshine Philippines Movement Program. Itong clean-up drive at tsaka tree planting activities,” saad ni Bobby Tormis, Coordinator, Sonshine Philippines Movement, Luzon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter