IGINIIT ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) Manila Chapter Chairman Alex Lopez na tiyak ang pagkakaroon ng press freedom sa liderato ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. (PBBM) sa bansa.
Ito’y matapos ang agarang pagbuo ng Special Task Force ng Office of the President para imbestigahan ang pagpaslang sa radio commentator na si Percy Lapid.
Ayon kay Lopez, kilalang malapit kay Pangulong BBM, ang agarang paglikha ng special task force ay garantiya ng pag-iral ng press freedom sa bansa.
“We thank the President as you said for his early action to create a special task force to investigate the unjust and merciless killing of Percy Lapid. This is what I’m saying that the President has mandated and guaranteed press freedom under this administration. So kung alam niyo naman ho, eh hindi naman lahat ng ano pwede nating i-prevent pero I’m sure the President will be on top of this to guarantee press freedom,” pahayag ni Lopez.
Buo rin ang tiwala ni Lopez sa Pangulo na sa ilalim ng kanyang direktiba ay ‘committed ang Philippine National Police (PNP) sa pagbibigay proteksyon sa rights of the press.
“Through the PNP, the President is pushing for the early resolution of this case. And we would like to thank the President for his continued pursuit of truth and justice under his administration,” ayon kay Lopez.
Samantala, kahit binabanatan ni Lapid si PBBM sa kanyang programa, naniniwala si Lopez na walang masamang tinapay sa Pangulo at hindi raw ito nagtatanim ng galit ninuman kahit pa binabanatan ito ng ilang media man.
Bagkus ay pinakikinggan pa raw ng Pangulo ang mga pagpuna sa kanya.
“Ang presidente naman ho natin ay hindi ho pikon yan. Eh tatawa-tawa lang ho ‘yan at napakabait na tao po niyan, napakabait ng puso. Alam niya na makatutulong sa kanya ang active media,” ayon pa ni Lopez.
Ayon naman kay Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevara, nag-alala si PBBM sa sinapit ng napatay na broadcaster kaya inatasan ng tanggapan ng Pangulo ang PNP na mag-sumite ng report sa kaso sa susunod na pitong araw.
Nauna nang nag-alok ng P1-M reward money si Lopez sa sinuman ang makakapagtuturo sa mga nasa likod ng pagpaslang.