Pagsabog sa Marawi City, hindi suicide bombing—PNP

Pagsabog sa Marawi City, hindi suicide bombing—PNP

WALANG indikasyon na suicide bombing ang nangyaring pagsabog sa Mindanao State University sa Marawi City.

Ito ang binigyang-diin ni PNP Public Information Office chief Police Colonel Jean Fajardo sa pulong balitaan sa Camp Crame.

Ayon kay Fajardo, ang apat na nasawi na kinabibilangan ng isang lalaki at tatlong babae ay pawang mga Kristiyano.

Gayunpaman, iniimbestigahan ng pulisya ang lahat ng posibleng motibo at ang posibleng nasa likod ng pagsabog.

Nabatid na mayroon nang dalawang persons of interest sa insidente at tinitingnan ang pagkakasangkot nila sa mga nakaraang bus bombing sa Mindanao.

Bagama’t inako ng ISIS ang nangyaring pagsabog, nilinaw ni Fajardo na ibabase nila sa makukuhang ebidensiya ang imbestigasyon.

 

Follow SMNI News on Rumble