Pagsasabatas ng BSKE Postponement kinuwestyon sa Korte Suprema

Pagsasabatas ng BSKE Postponement kinuwestyon sa Korte Suprema

INIHAIN ngayong araw ng election lawyer na si Atty. Romy Macalintal ang petisyon na kumukwestyon sa legalidad ng batas para sa BSKE Postponement sa ilalim ng RA 11935.

Matatandaan na pirmado na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na mag-uurong ng BSKE sa October 2023 sa halip ngayong darating na Disyembre.

Nakasaad din sa batas na kasunod ng postponement ng eleksyon ay mananatiling nasa pwesto ang mga kasalukuyang brgy. official maliban na lamang kung sila ay nasibak dahil sa ilang kadahilanan.

Argumento ni Macalintal, walang karapatan ang Kongreso na pahabain ang termino ng mga brgy. officials na nakatakdang mag-expire ngayong Disyembre.

Dahil dito, dapat aniyang ipasawalang bisa ang batas.

Follow SMNI NEWS in Twitter