Higit 3,000 indibidwal sa Cagayan Valley, isinailalim sa pre-emptive evacuation –NDRRMC

Higit 3,000 indibidwal sa Cagayan Valley, isinailalim sa pre-emptive evacuation –NDRRMC

UMABOT sa 1,174 pamilya o 3,702 indibidwal ang isinailalim sa pre-emptive evacuation sa Cagayan Valley dahil sa Bagyong Neneng.

Batay ito sa ulat ng NDRRMC ngayong Lunes, Oktubre 17.

Nakapagtala rin ng 59 insidente ng pagbaha at isang insidente ng pagguho ng lupa sa rehiyon.

Nasa 25 kabahayan ang napinsala ng bagyo sa Ilocos Region, Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region (CAR).

Habang 23 kalsada at 12 tulay ang hindi madaanan ng mga motorista.

Samantala, 28 lungsod at munisipalidad ang nakaranas ng power interruptions pero sa nasabing bilang ay anim na lugar na ang naibalik ang suplay ng kuryente.

Follow SMNI NEWS in Twitter