Pagsasampa ng kaso ng DOJ laban sa NPA, suportado ng PNP

SINUPORTAHAN ng Philippine National Police (PNP) ang aksyon ng Department of Justice (DOJ) na magsampa ng kasong kriminal laban sa New People’s Army (NPA) kaugnay ng 1,500 pag-atake nito.

Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, isa itong malaking hakbang sa kanilang pagsisikap na mapigilan ang paggawa ng krimen ng nasabing grupo.

Umaasa aniya sila na mabibigyan nito ng hustisya ang mga inosenteng sibilyan at kanilang mga pamilya na naging biktima ng pagbabanta at terorismo.

Sa pamamagitan din aniya ng legal na paraan ay tutukuyin kung sino ang dapat managot sa mga pag-atake na nagresulta sa pagkasira ng mga ari-arian at pagkawala ng buhay.

Tiniyak ng PNP ang mga kinakailangang dokumento upang mapatunayan ang mga paratang at mapalakas ang mga kaso.

Follow SMNI NEWS Twitter