Pagsasanay ng PH Army ngayong taon aabot sa Visayas at Mindanao

Pagsasanay ng PH Army ngayong taon aabot sa Visayas at Mindanao

OPISYAL nang sinimulan ang pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng Philippine Army ngayong taon, na may temang “Matatag na Sandigan ng Bagong Pilipinas.”

Sa isang pulong balitaan, binigyang-diin ni Army Chief Lt. Gen. Roy Galido na ang temang ito ay isang makapangyarihang pahayag ng kanilang walang sawang dedikasyon bilang matibay na haligi ng isang bagong Pilipinas—isa na mas matatag at mas handa sa anumang hamon.

“This year, we celebrate the Philippine Army’s 128th Anniversary. Our theme, ‘Hukbong Katihan at 128: Matatag na Sandigan ng Bagong Pilipinas, is the powerful declaration of our enduring commitment to be a steadfast pillar of support for a new and stronger Philippines,” wika ni LtGen. Roy Galido, Commanding General, Philippine Army.

Bilang bahagi ng selebrasyon, mas pinalalawak ng Philippine Army ang kanilang pagsasanay upang tiyakin ang kahandaan ng kanilang tropa sa anumang sitwasyon.

Isa sa mga pangunahing hakbang dito ay ang pagpapalawak ng “Combined Arms Exercise” (CATEX) “Katihan,” na ngayong taon ay gaganapin sa Camp Kibaritan sa Bukidnon at Camp Gen. Mariano Peralta sa Jamindan, Capiz.

Ayon kay Lt. Gen. Galido, ang pagsasama ng dalawang bagong training areas ay isang mahalagang hakbang upang mapalawak pa ang kakayahan ng kasundaluhan.

Ang mga ito ay idinagdag bilang alternatibong training areas bukod sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija.

Paliwanag pa ng opisyal, kinakailangan nilang subukan ang mas malawakang operasyon ng tropa lalo’t isang arkipelagong bansa ang Pilipinas.

Naniniwala rin ang Philippine Army na ang naturang pagsasanay ay isang mahalagang hakbang upang mapahusay ang kanilang kakayahan sa command-and-control—isang kritikal na aspeto ng kanilang misyon upang tiyakin ang mabilis at epektibong pagtugon sa mga banta sa pambansang seguridad.

“This exercise will test our combat readiness and demonstrate our adaptability and ability to execute complex, highstakes operations with precision. We are confident that the outcomes of this exercise will strengthen our commandandcontrol capabilities, further enhancing our preparedness to respond to any challenge that may threaten our national security,” wika ni LtGen. Roy Galido, Commanding General, Philippine Army.

Ang CATEX Katihan ay pangalawang yugto ng malawakang Unilateral Exercise ng Philippine Army ngayong taon.

Magsisimula ito mula Marso 3-12, kung saan halos 6,000 sundalo ang sasabak sa iba’t ibang pagsasanay na tututok sa command-and-control at paggamit ng fires platforms tulad ng mga tangke at artillery.

“This is more important because ‘commandandcontrol’ refers to how we also interoperate with the Air Force and the Navy,dagdag ni Galido.

Ang mga ganitong uri ng pagsasanay ay nagpapakita ng kahandaan ng Philippine Army sa pakikipag-ugnayan sa iba pang sangay ng Sandatahang Lakas para mas epektibong matugunan ang anumang banta.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble