IKINOKONSIDERA ni Vice President Sara Duterte na tatakbo bilang pangulo ng bansa sa 2028 elections.
Ito ang kaniyang naging tugon matapos tanungin hinggil sa paksa sa kaniyang naging meet-and-greet kasama ang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Japan nitong Enero 12, 2025.
Samantala, epektibo na simula Enero 12, 2025 ang “election period” na tatagal hanggang sa Hunyo 12.
Nakapaloob sa election period ang mahigpit na pagpapatupad ng security measures at protocols sa buong bansa kaugnay sa papalapit na halalan.
Partikular na ipatutupad rito ang malawakang check-points at gun ban sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.