Pagtalakay sa panukala na gawing krimen ang red-tagging, pinamamadali

HINIMOK ni Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon ang mga lider ng Senado na agad na  talakayin ang kanyang panukala na gawing krimen ang red tagging.

Ang panawagan ni Drilon ay kasunod ng pagdadawit ng NTF-ELCAC sa mga organizer ng community pantry sa isang komunistang grupo.

Buwan ng Marso nang inihain ng senador ang Senate Bill 2121 at sa ilalim ng panukala, maaaring ikulong sa loob ng sampung taon ang mapapatunayang guilty sa red tagging.

Pero bago ito, nakasulat sa committee report na inadopt ng Senado pagkatapos ang pagdinig kaugnay sa red tagging na hindi na kailangang gawing krimen ang red tagging.

Kamakailan naman ay sinabi ni Senate President Vicente Sotto na pinag-iisipan na nito ang pagsuporta sa naturang panukala.

Ito ay matapos sabihin ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na mata at tenga ng isang komunistang grupo ang SENADO Union.

(BASAHIN: Pagpapatalsik kay Gen. Parlade sa NTF ELCAC, inirekomenda ng Senado)

SMNI NEWS