IGINIIT ng Department of Health (DOH) na hindi naging hadlang sa bansa ang pagtanggap ng bakuna kahit pa tinanggal na ang COVID-19 bilang isang global health emergency.
Ayon kay DOH OIC Usec. Maria Rosario Vergerie, sa katunayan aniya ay sa susunod na linggo ay maaring darating na sa bansa ang nasa halos 400,000 doses ng bivalent vaccine mula sa ibang bansa.
Ito aniya ang naging dahilan kaya naging abala ngayon ang mga implementing units sa pagsasagawa ng orientation para sa paglalapat nito sa mga priority groups.
Matatandaan na noong August 2022 nang magsimula ang pakikipagnegosasyon ng Pilipinas sa ibang bansa para makakuha ng bivalent vaccine.
Ito ay unang inasahang darating bago magtapos ang taong 2022 pero naantala dahil sa pag-lift ng state of calamity.