Pagtanggap ng volunteers ng BFP, pinahihigpitan

Pagtanggap ng volunteers ng BFP, pinahihigpitan

PINAHIHIGPITAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagtanggap ng volunteers para sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Ito’y kasunod ng insidente ng pananagasa ng isang rumerespondeng firetruck sa Tondo, Maynila kamakailan na ikinasawi ng isang matandang babae at ikinasugat ng walong iba pa.

Dahil dito, inatasan ni DILG Sec. Benhur Abalos ang BFP na magtakda ng qualifications para sa volunteer na bumbero at driver ng fire truck.

Bukod dito, kailangan din aniyang makapasa ang mga fire truck driver sa drug tests at neuropsychiatric exams.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble

 

 

lydie ni