DILG Sec. Benhur Abalos, may huling babala kay Cong. Arnie Teves

DILG Sec. Benhur Abalos, may huling babala kay Cong. Arnie Teves

MANANAIG ang katotohanan, ang muling banat ni Interior Secretary Benhur Abalos laban kay Negros Oriental Congressman Arnolfo ‘Arnie’ Teves, Jr. kaugnay sa karumal-dumal na pamamaslang kay Governor Roel Degamo.

Sa isang panayam kay Benhur Abalos araw ng Martes Hunyo 13, 2023, sinabi nito na hindi pa tapos ang laban at sisikapin nito na mapapanagot ang mga pangunahing sangkot sa nasabing krimen.

Matatandaang, mariing itinuturo si Teves bilang mastermind sa Degamo killings.

Sa kasamaang palad, nananatili pa rin ito sa labas ng bansa kung kaya’t hindi nito maharap ang mga akusasyon laban sa kaniya.

Nauna nang napabalita ang paghingi nito ng political assylum sa Timor-Leste at kalauna’y humiling din ng citizenship sa nasabing bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter