ILANG linggo bago magbukas ang bagong Kongreso, naghain na ng kaniya-kaniyang mga priority bill ang mga senador.
Isa rito ay si Senator Christopher Bong Go kung saan sa kaniyang listahan nangunguna ang muling paghahain ng panukala para sa paglikha ng sariling departamento para sa disaster response.
Matatandaan na ang panukala ay isa sa inihiling o itinulak ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ito ay nai-file naman ni Go noong 18th Congress sa ilalim ng Senate Bill No. 205.
Ang panukala ay nakalusot sa Kamara pero hindi pagdating sa Mataas na Kapulungan.
Dahilan ng ibang senador, hindi ito praktikal at kulang daw ang pondo para makapagtayo ng panibagong departamento.
Ilan pa sa mga priority bill ni Senador Bong Go na inihain ang:
Magna Carta for PDEA Personnel Bill
Rural Employment Assistance Bill
Emergency Medical Services System
Free Legal Assistance to AFP and PNP Bill,
Philippine National Games Bill
One Town, One Product Bill
Panukala na nag aamyenda sa Insurance Code
National Housing Development Production and Financing Program Bill
Barangay Health Workers Benefits and Compensation Bill
Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Centers Bill