Pagtatatag ng cybersecurity infrastructure, magpapalakas ng digitalization program –PBBM

Pagtatatag ng cybersecurity infrastructure, magpapalakas ng digitalization program –PBBM

PINALAKAS ng administrasyon ang mga pagsisikap nito na magtatag ng isang cybersecurity system sa bansa.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kung saan isa aniya itong mahalagang bahagi ng pagtulak ng kaniyang administrasyon na gawing digital ang burukrasya.

Kaisa ang mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensiya, tiniyak ng administrasyon na mayroong internet connectivity infrastructures sa iba’t ibang mga rehiyon.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na kailangan ng gobyerno na mas paghusayin ang pagkonekta sa milyun-milyong Pilipino at muling ibangon ang mga hakbangin upang isulong ang digital economy.

Binigyang-diin ng Punong Ehekutibo ang kahalagahan ng digitalization initiative ng gobyerno at improvements sa bureaucratic efficiency. cybersecurity 

Follow SMNI NEWS in Twitter