ISINAGAWA ng Philippine Navy ang final planning conference para sa ikalawang ASEAN Multilateral Naval Exercise (AMNEX) ngayong taon.
Ito ay sa pangunguna ni Philippine Navy Fleet Marine Ready Force (FMRF) commander Brigadier General Edwin Amadar bilang Officer Conducting Exercise na ginanap sa Pasay City.
Dinaluhan ito ng mga Navy representative mula sa Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Singapore, Thailand, at Vietnam.
Layunin ng pagsasanay na mapalakas ang interoperability, responsiveness, at readiness upang matugunan ang “common regional maritime concerns.”
Pinasalamatan naman ni General Amadar ang suporta at partisipasyon ng kanilang ASEAN counterparts tungo sa pagsisikap na mabigyan ng seguridad ang karagatan at maritime domain.