KUWESTIYONABLE ang pagpapatupad ng batas sa ilalim ng Marcos administration ayon sa dating National Intelligence Officer at kadre ng komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF na si Jeffrey Ka Eric Celiz.
Ito’y hugot ni Celiz sa ginagawa umanong panggigipit ng Marcos administration kay Pastor Apollo C. Quiboloy na nananatiling akusado habang tahimik ang Kongreso kay France Castro ng ACT Teachers Party-list na kamakailan lang ay nahatulan ng guilty verdict sa kasong child abuse.
Ani Ka Eric, patunay lamang ito na mayroong sabwatan sa pagitan ng teroristang grupo at ng administrasyon ni Pang. Bongbong Marcos, lalo na sa Mababang Kapulungan dahil sa kaniyang pinsan na Speaker Martin Romualdez.
“There is an obvious and undeniable conspiratorial relations, ugnayang nakikipagsabwatan sa pagitan ng gobyerno ni Marcos Jr., through his cousin (Martin Romualdez), indirectly dumadaan sa kanyang pinsan itong alyansa na ito, lalo na sa House of Representatives kung saan nandiyan ang operatiba ng CPP-NPA-NDF,” ayon kay Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz, Former National Intelligence Officer, CPP-NPA-NDF.
Aniya, tinuturing ng Marcos administration na kriminal si Pastor Apollo maging ang mga Duterte kahit na wala pa mang hatol.
“How can you consider criminal si Pastor Quiboloy at sina [Sara Duterte at si Rodrigo Duterte], wala namang mga conviction ang mga taong ito? Inaakusahan sila gamit ang political operations ng gobyerno ni Marcos. But they are not convicted or even put under trial. Itong si France Castro at si Satur Ocampo [ay] convicted beyond reasonable doubt,” diin nito.
Martin Romualdez, dapat na disiplinahin si France Castro sa Kongreso matapos ang guilty verdict nito
Kaya naman hinamon ni Ka Eric ang Kamara lalo na si House Speaker Martin Romualdez na disiplinahin o tanggalin si France Castro bilang mambabatas matapos itong hatulang guilty sa kasong child abuse.
Dahil aniya, kung nagawa nila ito kay expelled Cong. Arnie Teves na wala pang hatol ang korte, dapat lang na umaksiyon sila sa isang convicted child abuser at kilala aniyang urban operative ng teroristang grupong CPP-NPA-NDF.
“Hindi na maitatanggi ni Martin Romualdez na kung hindi nila didisiplinahin at tatanggalin sa pagka-miyembro ng House of Representatives itong si France Castro, kasama ang iba pa niyang kasamahan on the ground of their very gross violations na sa ating mga batas, lalo na sa pagsasamantala nila sa mga kabataan at sa mga katutubong pamayanan with court conviction, it affirms now na totoo ang collusion na ito. Therefore, mananagot din dapat sila Martin Romualdez, at ang gobyerno ni Marcos Jr. for conniving and conspiring with the enemies of the states like France Castro,” giit ni Celiz.
Dagdag pa ng dating kadre — delikado ang ganitong istilo ng Marcos administration.
“And this conspiracy and collusion are very inimical. Hindi po ito nakakabuti sa ating mga institusyon ng gobyerno at sa democratic institutions natin sapagkat nasasabotahe ‘yung ating mga kapangyarihan ng ating batas at nagagamit pa ang mga naturang kapangyarihan para paghati-hatiin ang mamamayan at pagsamantalahan ang mabubuting tumutulong sa gobyerno tulad ng mga ginagawa nila ngayon laban kay Rodrigo Duterte, kay Vice President Sara Duterte, and even kay Pastor Quiboloy at sa Kingdom of Jesus. Christ,” dagdag nito.
Matatandaan na una nang nagpahayag si Pastor Apollo na nanganganib ang kaniyang buhay dahilan upang hindi siya magpakita sa publiko.