NANGUNGUNA sa mga concern ng mga Pilipino ang pagtugon sa inflation.
Batay ito sa resulta ng 4th quarter survey ng OCTA Research.
56% sa mga respondent ay No. 1 concern ang nais na makontrol na ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.
Nasa 44% naman sa mga Pilipino ang umaasa ng pagkakaroon ng abot-kayang pagkain habang 36% ang umaasa ng pagkakaroon ng umento sa sahod.
Isinagawa ang survey noong Nobyembre 10 hanggang 16, 2024 at mayroon itong 1,200 adult respondents.