MULING napatunayan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na epektibo ang ginagawang whole-of-the-nation approach ng pamahalaan laban sa mga communist terrorist group (CTG) at local terrorist group (LTG) dito sa bansa.
Sa ginawang Mid-Year Command Conference sa Kampo Aguinaldo ay iprinisinta ng AFP sa pangulo ng bansa ang mga naging katagumpayan nila laban sa armadong pakikibaka.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. pababa ng pababa ang bilang at puwersa ng mga terorista.
“Dahil doon po sa ipinakita natin na accomplishments halos lahat ng mga factors and indicators or measures of success natin against the communist terrorist group and the local terrorist group ay pababa ho lahat ‘yung trend niya so there is a down trend in terms of the manpower, the number of firearms, the number of affected barangays, the number of guerilla fronts and so on,” ayon kay Gen. Romeo Brawner, Jr., Chief of Staff, AFP.
Nauna nang sinabi ng Philippine Army sa SMNI News na ngayong taon palang ay daan-daang armas na ang kanilang narekober at daan-daan na rin ang mga terorista mula sa CTGs at LTGs ang kanilang na-neutralized.
Binigyang-diin ni Gen. Brawner na epektibo ang pagkakaisa ng bawat ahensiya ng pamahalaan upang solusyonan ang insurhensiya at dahil dito kanila itong ipagpapatuloy.
“Maganda na ‘yung formula natin kaya ipagpapatuloy po natin ‘yung formula na ‘yun kasi nakita naman natin na with the whole of the government approach ay napaka epektibo nito dun sa pagbaba ng impluwensiya ng lalong-lalo na po ng communist terrorist group,” saad nito.
Patungkol naman sa pagdepensa ng AFP sa teritoryo ng bansa, inilatag na nila sa punong ehekutibo ang kanilang mga plano.
“Very holistic ‘yung ating approach hindi lang po kasi tayo nakatingin sa labas ng ating bansa pero nakatingin din po tayo sa loob. Me,aning when we are talking about territorial defense we are not just doing external defense looking outward but we are also looking inward and addressing the united front works,” saad pa ni Brawner.
AFP, hinikayat ang publiko na huwag mag-panic kaugnay sa missiles ng China
Samantala, patungkol naman sa pahayag ni Sen. Imee Marcos kaugnay sa mga missile na nakatutok na sa dito sa bansa, ito ang naging sagot ni Gen. Brawner
“As to the report, Senator Imee mentioned about the 25 target alleged targets wala pa po kaming nakikitang report to this effect na merong 25 targets. So, hindi po talaga ako makakapagbigay ng comment tungkol dito dahil ako mismo hindi ko nakita ‘yung report na ‘yan or even the locations of these 25 targets,” ani Brawner.
Sa ngayon aniya patuloy pa ang ginagawa nilang pakikipag-ugnayan sa Senador at sa ibat-ibang security sector para makapagbigay sila ng tamang detalye patungkol sa isyu.
“We will be of course coordinating not just with the good senator pero sa lahat po na may information na ganito dahil siyempre gusto pa natin makita lahat po ng impormasyon nang sagayon ay matugunan natin ito. We will plan according to the information that we gathered and also the projected actions of other countries,” dagdag pa nito.
Sa huli, hinihikayat ni Gen. Brawner ang publiko na huwag mag-panic at maging kalmado lang.
“Dito po sa information na ito, as I said hindi pa ho natin nakita but ang pakiusap lang po namin is that if possible, ‘yung ating nga kababayan po ay wag mag-panic, wag magpanic dahil sa mga information na ito your Armed Forces of the Philippines including the security sector of our country, lahat po kami nagtutulong-tulong upang makita po ang tunay na sitwasyon natin,” ani Brawner.