Pagtuturo ng National Building Code sa engineering courses, isinusulong

Pagtuturo ng National Building Code sa engineering courses, isinusulong

ISINUSULONG ngayon ni House Senior Deputy Speaker at dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang pagtuturo ng National Building Code sa engineering courses.

Sa ilalim ito ng kanilang House Bill 5087 ni Deputy Speaker at Pampanga Rep. Dong Gonzales at Baguio Rep. Mark Go na chairman ng House Committee on Higher and Technical Education.

Sa panukala, gagawing major subject sa engineering courses ang National Building Code.

Saklaw naman sa Higher Education Act of 1994 na isali ng Commission on Higher Education (CHED) na ituro ang National Building Code sa Civil, Mechanical, Electrical, Sanitary at Electronics Engineering maging sa Architecture.

Habang inaatasan naman ng panukala ang Professional Regulation Commission (PRC) na gawing paksa sa engineering licensure exams ang building code ng Pilipinas.

Follow SMNI NEWS in Instagram

Follow SMNI NEWS in Tiktok

Follow SMNI NEWS in Twitter