IBINIDA ng tatlong bayan sa lalawigan ng Bulacan kabilang ang Sta. Maria, Norzagaray, at Angat na naging matagumpay umano ang kauna-unahang Liga ng mga Barangay partikular sa ika-anim na distrito.
Tampok sa tinawag na Cong Pleyto Cup 2024 ang Men and Women’s basketball at volleyball na pinangunahan ng magkapatid at anak ni Cong. Ador Pleyto at tatlong alkalde ng District 6, pati mga officials mula sa 43 barangays.
Isa aniya sa layunin ng naturang proyekto na matuon ang atensiyon ng mga kabataan sa sports upang mailayo sa ipinagbabawal na droga.
Mismong si Cong. Pleyto ang nanguna sa Plain and Torch Lighting Relay bilang hudyat ng pagsisimula ng palaro na ginanap sa Fortunato Halili National Agricultural School sa Brgy. Gugong na libre ang mga uniporme.
Samantala, pagkakalooban naman ng P50-M project ang alkalde ng bayan na tatanghaling champion sa naturang palaro.