KINOKONSIDERA na ng pamahalaan na pansamantalang babaan ang taripa sa importasyon ng bigas bilang hakbang pa rin sa mataas na presyo ng bigas.
Sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Sec. Arsenio Balisacan, nais niyang magsagawa ng review sa 35% na ipinatutupad na taripa.
Kaugnay nga nito ay iminungkahi ng Foundation for Economic Freedom (FEF) na ibaba sa 10% ang taripa.
Isa rin ang FEF sa tutol sa kasalukuyang ipinapa-implementa na price ceiling sa bigas.
Naniniwala ang grupo na may negatibong consequences ang nabanggit na hakbang sa mga konsyumer, magsasaka at ekonomiya ng bansa.