HANDANG-handa na naman ang mga supporter ni Pastor Apollo C. Quiboloy at mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).
Makikita sa venue na organisado ang pamamahagi ng pagkain sa mga naghihintay ng pagsisimula ng pangalawang araw ng Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally sa Liwasang Bonifacio sa Maynila ngayong hapon ng alas tres, Marso 7, 2024.