Pamamahagi ng subsidiya sa mga magsasaka, idadaan sa e-wallets—DA

Pamamahagi ng subsidiya sa mga magsasaka, idadaan sa e-wallets—DA

MAAARI nang idaan sa e-wallets ang pamamahagi ng P22.9-B na subsidiya para sa mga magsasaka ayon sa Department of Agriculture (DA).

Para sa grupong Federation of Free Farmers, maganda ang paraang ito dahil mababawasan ang korapsiyon at mas madaling mai-access ng mga magsasaka.

Sa ngayon ay hinihikayat na lang ng grupo ang DA na i-update ang ‘registry system for basic sectors in agriculture’ dahil ang mga magsasaka lang na naka-rehistro dito ang makatatanggap ng financial assistance.

Ang ipamamahaging subsidiya ay gagamitin naman ayon sa DA sa pagbili ng hybrid seeds, inorganic fertilizer, biofertilizer, at iba pa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble