Panahon ng tag-ulan, mararanasan pa rin sa ikatlong kwarter ng taon sa kabila ng pag-iral ng El Niño—DOST-PAGASA

Panahon ng tag-ulan, mararanasan pa rin sa ikatlong kwarter ng taon sa kabila ng pag-iral ng El Niño—DOST-PAGASA

AASAHAN pa rin na magiging maulan ang ikatlong bahagi ng taon sa kabila ng pag-iral ng El Niño phenomenon.

Ito ang inihayag ni DOST-PAGASA Climatology and Agrometeorology Division Chief Thelma Cinco sa Laging Handa public briefing kasunod ng kanilang patuloy na pagmonitor sa epekto nito.

Nasa higit 50% naman aniya ang tiyansa na maging strong ang El Niño na mararanasan ngayong taon.

Samantala, nakikita naman ng PAGASA na on set ang papasok na wet season kasunod na rin ng naitatala ng mga thunderstorm.

Posible aniya na sa huling linggo ng Mayo o unang linggo ng Hunyo maideklara ang opisyal na panahon ng tag-ulan sa bansa.

Sa kabila nito, asahan pa rin ayon kay Cinco ang mainit na panahon.

Una namang inaasahan ng PAGASA na aabutin hanggang sa unang kwarter ng susunod na taon ang El Niño.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter