BANDANG Western Mindanao ang pinaka-vulnerable sa El Niño.
Sa panayam ng SMNI News kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Climate Monitoring & Prediction section chief Analiza Solis, itoy dahil hindi sila nai-expose sa hanging habagat, hanging amihan at iba pang factors.
Kasabay nito ay maging maingat din ang ibang lugar sa mga malalakas na pag-ulan.
Ang posibleng maaapektuhan sa mga malalakas na ulan ay ang Cordillera Administrative Region, Region 2, Region 3, National Capital Region (NCR), Regions 4A, at 4B maging ang Bicol Region.